Thursday, August 27, 2009

Si Neopot, Ang Pambansang Pet. Bow!
















Sosej King


Mas kilala sya sa Tcaf sa ganyang taytol. Kung bakit sya tinawag sa ganung taguri ay isa nang alamat (in other words, tinatamad akong ikwento). Basta ang clue lang dyan, since mallit sya, eh di ganun din ka-cute ang ano nya....banana. : b a n a n a 3 :

Bunsoy

Yan ang tawag ko sa kanya. Hindi dahil sya ang pinakabata sa grupo kundi dahil sya ang pinakamaliit sa barkada, sa mga lalaki (counterpart nya sa babae si Poon). Babyface pa. Mukha nga syang 8 years old na hindi pa tuli.

Inaamin ko, sa lahat ng mga Tristanians na lalaki, isa sya sa mga pinaka-close sa akin. Ilang beses na ba kaming napagkamalang mag-dyowa. Buti na lang, panatag lang ang loob ni Kukay dahil alam nya na sya lang ang mahal ko at alam nyang parang magkapatid lang ang turingan namin ni Neo. Bwehehe!

Bakit nga ba kami close?

Una, dahil pareho kaming julantud. Kung ako ang Julantud Queen, sya ang Julantud King. Sino ba dito ang newbie na hindi nya tinanong ng pamoso nyang linyang "ASL pls"...lalo na kung babae.

Pangalawa, dahil pareho kaming artistahin. Yun nga lang, kung ako ay pang-Startruck, sya naman ay pang-Startruck Kids.

Pangatlo, dahil hindi sya mahirap hingan ng favor. In other words, madali syang utusan. Bwehehe! Basta kaya nya, gagawin nya ang lahat mapagbigyan ka lang nya. Sya ang dakilang taga-sundo ng mga hindi dugay sa Manela, alalay, escort, bantay, longkatuts, etc. etc. Kaya hindi nakakapagtaka na maging lovable sya, hindi lang sa akin kundi sa lahat ng mga taong nakikilala nya. Maituturing syang Pambansang Pet. : b a n a n a 3 :

Natatandaan ko, nung nagkasakit ako, tinext agad ako ni Bunsoy. Dalawin daw nila ako kasama si Alex sa amin sa Bulacan. Sya din ang kasama kong magpa-check-up. Sya din ang alalay ko kapag kailangan kong maglipat ng mga gamit at kailangan ko ng taga-bitbit ng sangkaterba kong mga bag, dahil baka daw atakihin na naman ako kapag napagod.

Kaya't nang malaman kong nagkasakit si Bunsoy nung Tuesday at kailangang dalhin sa ospital, di ko maiwasang mag-alala. Lalo pa nung malaman ko na wala syang kasama. Dahil alam ko, kung ako ang nasa sitwasyon nya, ora mismo, pupuntahan nya ako agad. Nakaramdam ako ng konting guilt. Akalain mo yun! Bwehehe!

Gustuhin ko man syang puntahan, di pwede dahil nagkataon na dalawa lang kami ng officemates ko na naiwan sa office dahil nasa field ang iba. Kaya wala akong magawa kundi i-text sya, sa tulong nila Alex at Lumen, at alamin kung ano na ang nagyari sa kanya. Nakahinga lang kami ng maluwag nang malaman na naka-confine na sya sa isang ospital.

Kaya't pagkatapos ng trabaho, pinuntahan namin si Bunsoy kasama sila Alex at Uday. Nang makita namin si Bunsoy, sa totoo lang, hindi sya mukhang may sakit. Parang pilit pa rin nyang ipanapakita sa amin na ok sya...kahit na sya ay naka-dextrose at medyo fatal ang kanyang kalagayan kung hindi maaagapan. At kung makalafang ng Chicken Joy from Mc Do (ano daw?), parang hindi mo iisipin na me sakit ang lensyak! At nakukuha pang makipagsabayan sa aming makipagbiruan! : l o l :

Kahapon, ibinalita sa akin ni Alex na baka daw kakailanganin ni Bunsoy na masalinan ng dugo. Syempre, medyo nag-worry na naman ang lola mo dahil baka grabe na ang lagay nya. Buti na lang, naka-schedule talaga kaming tatlo nang araw na iyon na dalawin sya, kasama pa si Kape.

Nang makita namin si Bunsoy, kagaya pa rin ng dati, parang hindi man lang gaanong iniinda ang sakit nya. Malakas pa rin naman daw sya. Sasabihin na lang daw nya sa amin kung kakailanganin na nyang salinan ng dugo. Anyways, lagi namang naka-ready sina Alex at Kape. Madami-daming dinuguan din yan! Bwehehe! : e v i l :

Dahil sa nasaksihan ko, bumilib tuloy ako kay Bunsoy. Dahil kung titignan mo, parang walang anuman ang nangyari sa kanya. Sabagay, kung mapapansin mo naman kasi sya, parang wala syang problema. Kahit ang totoo eh pasan nya ang mundong mas mabigat pa sa kanya. Mas concern pa nga sya aming mga kaibigan nya kesa sarili nyang problema.

Kaya't hindi nakakapagtaka na madaming kaibigan nya ang dumalaw sa kanya kagabi. Mga kaibigang nagmamahal sa kanya. Mga kaibigang nag-aalala sa kanya. At kahit wala ang iba kagabi, alam kong madami pa ring mga kaibigan nya ang nananalangin na sana ay tuluyan na syang gumaling.

At sa mga dumalaw sa kanya kagabi (Kape, Dimsum, Bam, Dearcoh, Prinsesa000), in behalf of Neo, Aytenchu! Bow! Bwehehe! Saka atin-atin na lang yung "scandal" na nangyari ha? Bwehehe!

At sa mga friends nya na gustong dumalaw; paunawa lang, muntik na ma-banned ang mga Tristanians dun. Bwehehe! Kung magdadala kayo ng food, wag daw dark. Kung dark chocolate yan, andito kami ni Alex. : e v i l :

Sa mga friends nya na hindi makakadalaw, your prayers can help a lot. Pwede din donations: Geb A Brep. Bwehehe!
: r o l l :

Kay Bunsoy, pagaling ka na. Madaming nangangailangan ng kalinga ng sosej. : b a n a n a 3 :

Aytenchu! Bow! : a d o r e :






------
hakot ulit ng artik...

Eto ung artik ni magz para saken nun na dengeu ako sa pinas, pinipilit ko ung nars na iadmit ako kaso ayaw nia talaga at wala daw ako kasama punyetaaa! nyahahaha!


Here's the link for the complete article

http://www.tristancafe.com/forum/65088

No comments:

Post a Comment