Sunday, August 30, 2009

Dating Buhay ko...






hindi ko alam kung baket pag pinaupo ako sa isang sulok ay nangangati ang puwet ko. Hindi ako alam kung baket hindi ako mapakali at tipong hindi ko alam ang gagawin ko. Siguro bulate ako sa dating buhay ko.


Noong bata ako kinuwento sa akin ng lola ko na mahilig ako tumakas, maglibot, at magliwaliw kung saan saan. Nung tatlong taon daw ako ay nasagasaan ako ng traysikel sa kanto sabi ng lola ko. Siguro nga... pusa naman ako sa ikalawang buhay ko. Baket pusa? TRIP KO LANG!


Nung limang taon naman ako, tumakas ako sa bahay namin dahil pinapatulog ako ng nanay ko, syempre ayaw ko matulog at gusto ko maglaro. Wala akong tsinelas kaya malamang nakayapak lang ako, tama ba? Sa aking paglalakad me nakita akong grupo ng mga bata sa ilalim ng puno na nagkakasiyahan. Nagddrawing sila. Nakisali naman ako at nagdrawing din gamit ang bato bilang lapis at ang kalsada bilang papel. Simula noon lagi na ako nakiki join sa mga batang yun. Feeling ko kasi COOL sila. Hindi ko alam na eskwelahan na pala ang place na tinatambayan ko. Mula noon lagi na rin ako ka join nila. Sa madaling salita naging estudyante ako---saling pusa nga lang. Siguro nga talagang pusa ako sa dating buhay ko.


Sinubukan ko din mag alaga ng mga kalapati noon. Tatanggalan mo lang sila ng pakpak at presto! me instant toy ka na. Lalake at babae ang binili ko dahil balak ko dumami sila, magkaanak at magkapamilya. Happy ending. Sabi ng mga kaibigan ko naglalandi na daw ang babae kong kalapati kaya dapat daw ay ikulong ko na lang. Pero narinig ko ang kanta noon "ibon man may layang lumipad....kulungin mo at umiiyak.." Naawa naman ako sa babaeng kalapati kaya pinakawalan ko sila kasama ng bf nya. Ang kaso hindi na bumalik ang babaeng kalapati. Haliparot na kalapati ang aga naglandi. At si BF na kalapati, naiputan sa ulo. tsk! Sa awa ko sa lalake na kalapati, inadobo ko sya. Naisip ko, marahil hindi ako naging ibon sa dati kong buhay.



Hindi ko alam kung baket ako takot sa kagat ng aso noong bata pa ako. Sabagay, sino ba naman ang hindi? Yung mga adik sa kanto tinanong ko din, ang sagot nila "WHAT A QUESTION, of course i do, amen"
Noong bata pa kasi ako ay madalas ako habulin ng mga aso sa lansangan, hindi ko alam kung mukha ba akong buto buto o sadyang mukha akong pusa. Naisip ko, pusa nga siguro ako sa dating buhay ko.


Noong bata ako, tinubuan naman ako ng malalaking ngipin sa sa harap. Ika nga ng mga kalaro ko kuneho daw ako. Hindi ko matanggap na kuneho ako dahil hindi ko naman paborito si bugs bunny. Mas gusto ko si popeye d sailor man. Pero ayaw pa rin nila ako tigilan sa katutukso nila kaya ang ginawa ko kinagat ko sila sa tenga. Ngaun naisip ko kung baket ako hinahabol ng mga aso dati, siguro nga naging aso din ako minsan sa dati kong buhay. Siguro din kuneho din ako sa dati kong buhay. Huwag nyo na akong asarin na kuneho ako at magkakagatan tayo. Marahil nga naging kuneho din ako.... sa ibang paraan nga lang.


Naisip ko lng, baket kaya sa asal ng tao laging nakakabit ang asal ng mga hayop. Pag umihi ka sa pader sasabihin sa iyo ASO ka. Pag madumi ka sa katawan o di kaya ay kumakain ka ng nalaglag na pagkain kahit walang pang 1min eh sasabihin sa iyo BABOY ka. Pag nakita ka kinukutuhan mo ibang tao sasabihin naman sa iyo UNGGOY ka. Pero pag kinain mo ang kuto mo ibg sabhn nun ay baliw ka. Pag putak ka ng putak sabihin sau para kang manok. Pero baket ang aso pag umihi sa banyo (abah me manners, me breeding) hindi naman sinasabi na TAO ka o kaya pag ang baboy bagong paligo at malinis ang katawan baboy pa rin? Baket maski dito sa forum me nag iinaso? Ikaw anong asal hayop meron ka?


: w a v e : Magandang araw sa inyo!





Here's the link for the complete article

http://www.tristancafe.com/forum/35739

No comments:

Post a Comment