
"kuya ibili mo nga ako ng dyaryo..."
hanep na bata to at feeling close! Siya si boy hapon. hindi talaga kame close dahil sa totoo lng magkaaway kame. Nahuli ko siya minsan dinadaya pamangkin ko sa larong text..batukan ko nga! sa inis ko ako na ang lumaban sa kanya...ubos isang supot niya ng text.

balik tau sa kwento....
Nagrekwes si boy hapon na ibili ko siya ng dyaryo at pumayag nmn ako... isa akong mabait na kaaway sa totoo lng.
Isang TIKTIK, SAGAD, REMATE, at BOMBA. kaboOOom!!!

Naalala ko tuloy nung hayskul ako. pagkagaling ko sa eskwela stop over muna ako sa recto para bumili ng dyaryo. BULGAR, REMATE, at ABANTE, panahon ni totoy mola, nena, at xerex xaviera. Mga bagong bayani sa buhay nagbibinata.
Pagkabayad sa dyaryo tutupiin ko ito ng apat na beses saka isisiksik sa loob ng pantalon. hindi pwede sa loob ng bag at baka makalikot ni mamita. Pagdating sa bahay ilalapag ang bag sa sofa at dederatso sa kwarto para kunwari magpahinga. Ayos na!
maganda ang istorya kala mo telenovela. Nakakaadik. Maho-HOOK ka talaga. Astig

Kumapal at dumami ang koleksyon ko ng dyaryo. Ipapakilo ko sana sa riles kaso baka makita ako ni mamita. Buti na lng batang bonakid ako. Ginupit gupit ko ang mga dyaryo at presto! Me laruan na ako. Bangkang papel ni nena, Eroplano ni Xaviera, at Sarangola ni MOLA.
Lumipas ang panahon at nagsawa na rn ako sa kanila, kumbaga sa telenovela pinapaikot ikot na ako para lng tumagala ng istorya. Si nena uugod ugod na umaariba pa, si totoy mola ga Palito na humahatawa pa, at si Xerex Xaviera nirerecycle na lng ang istorya. Ayoko na!
Sa isang iglap pakiramdam ko nag mature ako. Hanep! hindi na ako tinatablan ng alindog ni nena. Palibhasa meron na ako bago pingakakaabalahan....mga magasin sa quiapo at escolta nmn.

Noong panahong yoon masasabi ko garapal ang mga istorya at talamak ang mga bida. Me bata pa nga na napabalita na nang rape dahil lng sa kakabasa.....sad....!
sa kasamaang palad pagkagaling sa eskwela.........sa underpass sa intramuros patungong Manila city hall......habang kasalukuyan akong bumibili ng poster ng DRAGONBALL Z........me lumapit sakin na babae......maputi at seksi..... me hawak na mic....me tatak ng ABS CBN.... lenshak!
lights! camera! aksyon!
reporter: Bumibili ka ba ng mga ganyang uri ng babasahin?
palaboy: No im not, i only read broadsheet.
reporter: What can you say about the people who read that kind of reading material?
palaboy: Well...i guess... guys, if u know what's good for you and your children.... stop reading those kind of...errrr...piece of junk.
Umugong ang araneta coliseum...nakita ko si totoy mola sabi sakin "tol plastik ka" sabay talikod...si nena umiiyak sa gilid ng kama...at ang mga karakter sa istorya ni Xerex Xaviera nagtaasan lahat ng kilay.
Im sorry guys...nasa mundo tau ng showbiz...i hope you understand...

Simula nun hindi na ako bumuli ng dyaryo... Napasali ako sa journalism at araw araw ako ang taga kuha ng dyaryo sa manila bulletin. Ibat ibang dyaryo---lahat puro English. ibang iba sa mga binabasa ko dati... sa lahat nga artikulo isa lng nagustuhan ko....Young blood..chochalin!
si batang_palaboy ay edad 23 at kasalukuyang nagtatrabaho sa lungsod ng Makati. Masaya siya sa buhay niya ngaun kahit na wala na ang mga idolo niya noon....
P.S
Hindi pala advisable magbasa ng mga nakakapg init na babasahin habang nasa banyo..nakatungtong o nakaupo man sa trono. baket? Mahirap umihi.
Magandang araw sa inyo!
Here's the link for the complete article
http://www.tristancafe.com/forum/39317
No comments:
Post a Comment