Wednesday, August 26, 2009

Pananaw ng isang Palaboy

Pananaw ng isang palaboy
posted by (Feb 05, 2006 @ 12:05AM) views: 471










Me stampede din pala dito ng mga comment.

Nagtataka ako kung bakit kung saan saan na napunta ang usapan dito tungkol sa nangyari. Sa dyaryo man o sa radyo o kahit saan pa man. Bata, matanda, me ipin o wala, seksi o payat, bungol o bungal man, matalino at bobo. Hanep talaga! Hindi ba natin maiiwasan magsisihan? Sabagay NATURAL lang magsisihan at magturuan.

Sino nga ba ang may sala?

Siyempre ang me sala ay ung mga organisers. PERIOD! Alangan naman kasalanan ni GMA yun.

Kasalanan nila eh. Wala na tau magagawa dun. Kung sana inayos nilang mabuti lahat eh di sana walang problema db? Pero sino ba nmn ang me gusto ng problema? Ako ayaw ko, ewan ko sa inyo!

Nagpabaya nga ba sila? Malay ko! Basa ko sa mga comments kesyo na SANA sa ganito na lng ginawa kesyo sa ganyan EH DI SANA NAIWASAN! nakakatawa db? dna natin maibabalik ung nangyari mga tol! nangyari na eh! Sana me crowd control daw sabi naman ng isa. Excuse me sir/mam: kelan nakontrol ang crowd pag pera ang usapan? kung sa pakikipaglaban nga lng ng karapatang pantao halos ibuwis nila buhay nila. PERA pa kaya?

Nalipat naman ngaun sa HOST ang sisi! ibang klase talaga. Ako sa totoo lang hindi ko gusto si willie. Pero para sisihin mo yung tao na HOST nga lang. Tsk. Bakit ganun? Organizer ba siya? Ginusto ba nya mangyari un? Nagtatrabaho din yung tao para kumita. Hindi porke GALIT kau sa kanya ay siya na ang sisihin sa nangyari. Maging REASONABLE naman kayo!

Sino pa ba maituturo na me sala sa nangyari?
AKSIDENTE daw! unforseen event daw. Pero ang aksidente daw naiiwasan? Preventable daw. Tama ba yun? OO naman tama yun. Pero bakit nangyayari pa rin ang aksidente? Dahil ba sa hindi nag ingat? Yun lang ba ang paraan para maiwasan ang aksidente? Ewan ko. Bsta ang masasabi ko ang AKSIDENTE walang pinipiling oras o panahon, walang pinipiling tao, walang pinipiling pagkakataon, kahit gaano ka KAINGAT, kahit magtago ka sa SAYA ng nanay mo, kahit sabhin mong nagdasal ka ng sampung AMA NAMIN o nagpapako ka sa krus nung mahal na araw, kahit tantyahin mo using mathematical equations ang possibilities, pwe! MANGYAYARI ANG DAPAT MANGYARI AT MAY MGA BAGAY NA HINDI NATIN MAIIWASAN MANGYARI KAHIT ANONG PAGHAHANDA PA ANG GAWIN PARA MAKAIWAS SA DISGRAYA. Malay nio umulan ng bird flu! : l o l :

Nakakalungkot kasi me nagsabi pa na stupid show and stupid people daw.
Palibahasa ang iba sa inyo hindi naranasan kung paano maghirap gaya ng pagkakasadlak sa buhay ng mga taong dumagsa sa show na yun.

Ako hindi ako nagmamagaling, sariling pananaw ko lng. Ang totoo malaki galit ko ke Willie Revillame. Baket? Trip ko lang.

Ang iba dito galit sa host, yung iba naman galit sa channel 2, yung iba nag aalburuto sa mga organizers, ewan ko ba. Yung iba naman naiinis o nagagalit sa mga tao dahil mga mukhang pera o makikitid ang pag iisip! Isa pang pwe!

Tama na ang sisihan, turuan, at awayan, kung gusto ninyong magpasikat tumulong na lng kayo sa mga mahihirap lalo na sa mga namatayan. Dun niyo na lng dalhin kayabangan niyo.

Magandang araw sa inyo.






-------------
Lipat ko lang mga artik ko dati.
Nalala ko tong post na to nung nagka Stampede sa Ultra dahil sa Wowowee
Pinasukan ako ng bulate sa utak kaya ko nasulat yan.


Here's the link for the complete artic


http://www.tristancafe.com/forum/33467

No comments:

Post a Comment