Wednesday, September 30, 2009

Magsusulat ako

Gusto kong gumawa ng libro. Naisip ko lang, matagal tagal na panahon pa ang gugugulin ko dito sa Saudi Arabia. Two years ang kontrata ko, ilang bote pa ng sadiki ang lalagukin, ilang kaha ng sigarilyo ang susunugin, ilang microscopic particles ng buhangin ang papasok sa aking respiratory system, ilang sandstorm na susuungin, ilang libong luto ng itlog at pancit canton pa ang kakainin. Kaya imbes na pagdiskitahan ko kung ilang kalyo ang natanggal at matatanggal, kung ganu kumikinis si poohtotoy na alaga sa Nivea Whitening Lotion with Sunblock protection and Age-Defying Q10 plus, baket hindi ko na lang ibaling sa paggawa ng isang kwento ... na malay ko, malay mo, o si jun-jun na walang malay, mailathala ko ito sa libro. Hindi masama mangarap, lalo na kung me potensyal kang magsulat. ... kagaya ko! (ulol! sabi ng konsensya ko).

Wala akong maalala sa pinag aralan ko nung hayskul pati college kung pano magsulat at pano sumulat, kung kaliwang kamay ba o kanang kamay ang gagamitin, kung gano kahaba ang isusulat, kung pano tatakbo ang kwento, wala! wala na talaga akong maalala, maliban sa CLIMAX!




Gusto kong sumulat ng kwento na makabagbag damdamin na nakakatuwa. Gusto kong sumulat ng isang lab stori. Isang lab stori na hindi pang Precious Hearts o My Valentine Romance na pocketbook. Isang lab stori na hindi hango sa mga gawa ni Gilda Olvidado o sinu pa mang otor ng pocketbook. Isang lab stori na maaring hango sa tunay na buhay o lab stori na kathang isip lang ... kunware. Basta.. gusto ko lang sumulat.



Gusto kong gamitin ang batang_palaboy bilang SN sa pagsusulat. Baket batang_palaboy at hindi neopot? Kasi parang me dating ang batang_palaboy, me attitude ba, hindi pasusyal at lalong hindi hango sa fiction karakter na si Neo ng Matrix. Para kahit papaano sa simpleng pangalan magkaroon ako ng sariling identity. Malay niyo, malay ko, o si jun-jun na walang malay, makilala at sumikat ako.





Hindi ko balak magsulat ng isa, dalawa, tatlo sabay takbo na libro. Tama na sa akin ang ISA. Isang kwento na tatatak sa isipan ng tao. Isang kuwento na makakapag pabago ng buhay ng maraming tao. Isang kuwento na mahihipo ang milyong milyong tao. Naks! ambisyosong palaka!




Basta....




Gusto kong magsulat.





No comments:

Post a Comment