Wednesday, October 28, 2009

Finding Neo

Source: magzcafe.multiply.com








mga ebidinsya kung baket kame nattsismis, nyahahahahahaha!

mishu kups!





Warning: Contains explicit and vulgar words. Walang sisihan.


“Kups, tuloy na alis ko.”

Yan ang text nya sa akin nung malaman nya ang balita na papaliparin na sya papuntang Saudi, just a few days before his birthday. FYI lang, “kups” is short for “kupal”. Yan ang naging tawagan namin pagkatapos kaming mapagkamalang “couple” ng mga housemates ni Lumen. Ang sagwa naman kung “couple” kaya para mas cool, ginawa naming “kupal”.

Kups. Yan ang tawag ko sa kanya. Bukod sa “Bunsoy” (kasi pang-bunsoy ang height nya), “Vekvek” or “Pekpek” (kasi mahilig sya dun), “Baklah” (since “Baklah” at “Vekvek” or “Pekpek” ang tawagan namin nila Alex sa isa’t isa, pati tuloy sya ganyan na rin ang tawag namin), “Neopet” (dahil sya ang Pambansang Pet), “Neopot” (Neo + Supot = Neopot) o di kaya eh Impakto or Punyeta or minsan me combination pa, “Impakto ka talagang punyeta kang hayup kang bansot ka”.

Sa Tristancafe, kung ako ang Papaya Queen, sya naman si Sosej King. Kung hanggang ngayon eh palaisipan pa rin sa iba kung paano ako naging Papaya Queen, open book naman sa forum kung pano sya naging Sosej King. Kung di mo pa alam kung bakit, pwes, mag-scavenger hunt ka sa Tcaf. Besides, kung me sense of humor ka self-explanatory na yan noh.

Pero kung anuman ang itawag sa kanya, sa aming magkakaibigan at sa lahat ng babaeng nilandi nya, sya si Neo. Ang impaktong punyetang hayup na bansot na mahal nating lahat.

Nung nalaman ko na paalis na si Neo, magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ko. Lungkot kasi wala na kong “bodyguard” na sinusuhulan ko ng “tsikenjoi”. Pero masaya na rin for him kasi alam ko para sa future nya yun. At least, di na nya kailangang tumambay sa Quezon City Memorial Circle gabi-gabi.

Bakit nga ba mahal namin si Neo? Bakit madaming kababaihan at kabaklaan ang nahuhumaling sa kanya? At bakit ako personally eh labs ko ang kupal na to? Let me count the ways.

1. Sadyang malandi sya. Kung ikukumpara mo ang level ng kalandian nila ni Dyeri, si Dyeri kasi magaling mambola. Sweet-talking mouse talaga, yan tuloy nabansagan syang Boy Daga. Si Neo naman, simple kung lumandi. Dinadaan sa pagpapa-cute at pagpapa-sweet. Ginagamit nya ang pagiging loveable nya. Kumbaga eh feeling mo isa kang ina, or sugar mommy, at gusto mo syang gawing baby. Na mahilig sa milk. Wala eh, kahit pagsabihan mo, kahit pigilan mo, malandi pa rin. Kung naging babae sya malamang 10 na ang anak nya na iba’t iba ang ama.

2. Matibay ang sikmura nya. Kundi ba naman matibay ang sikmura nya, nag-volunteer sya na bunutan nya ng buhok sa kili-kili si Alex. Sino, sabihin nyo sa akin, SINO ang maglalakas-loob na bunutan ng buhok sa kili-kili si Alex?! Bukod pa dyan, mahilig syang kumain ng tahong, kahit may red tide, pero di sumasakit ang tyan nya. Katawan lang nya ang sumasakit, hulaan nyo na lang kung bakit.

3. May sense of direction, palibhasa palaboy. Kaya tuloy sya ang laging taga-hatid at taga-sundo ng mga GI (Geographic Idiot) lalong-lalo na ng isang nilalang na itago na lang natin sa pangalang Poon. Kapag kasama mo sya, you’re in good hands kasi alam mo na di ka mawawala. Kasi pag naliligaw na kayo, malakas ang loob nyang magtanong sa pulis. Alam din nya kung saan ang pinakamalapit na motel sa bawat sulok ng Metro Manila.

4. He’s an all-around-houseboy who doesn’t complain. Neo magtawag ka ng taxi. Neo bili ka ng Coke. Neo samahan mo ko. Neo buhatin mo yan. Neo bitbitin mo yun. Neo tumalon ka sa poste ng Meralco. Neo tuwad. Ilan lang yan sa mga dialogue namin sa kanya kapag kasama namin sya, pero wala kang maririnig na reklamo. Basta libre mo lang sya ng tsikenjoi. Si Sybil nga binigyan lang sya ng benteng pangyosi, ayos na.

5. Member ng Liga ng Kahalayan at Kalokohan. Obvious ba, kaya nga magkakasundo kaming magkakaibigan. May common denominator. Simpleng bagay, naiisipan ng paraan para maging mahalay. Pero silang dalawa ni Alex ang founder. Kami eh mga followers lang. Sya ang pasimuno kung bakit naging Poon si Sandra (oo, may normal na pangalan din si Poon akala nyo ba) at naging Anomalkan si Alex.

6. Kahit malandi sya, me natitira pa rin syang respeto sa amin. Wapakels kung kasama namin sya sa kwarto kapag nasa out of town lakwatsa kami. Wapakels kung magbihis kami sa harap nya. Wapakels kung makatabi ko syang matulog, basta wag lang syang maghihilik. Come to think of it, kung totally malandi sya, sana pinatulan na nya kaming mga close friends nya. Or baka di lang nya talaga kami type. Sabagay, the feeling is mutual. Kaso pansin ko lang, kung kelan nasa malayo na sya, saka naman nya nilalandi si Lumen. Dahil kaya napapadalas ang pagsusuot ng mini-skirt ni Lumen? Hmmm…

7. Tunay na kaibigan. More than the kalandian and the kahalayan, kapag kailangan mo ng kaibigan, lagi syang andyan. Kundi man para magbigay ng advice (dahil walang kwenta ang mga payo nya) he’s there for you para aliwin ka nya. In fairness, nakakatawa naman sya talaga. Dahil nakakalbo na sya.

8. He’s a brother I never had. Kapag kailangan ko ng bodyguard, isang text lang reporting for duty sya agad, not unless me “sabunot day” or “bangenge day” sya sa araw na yun. Kapag kailangan ko ng tulong, gaya halimbawa ng taga-buhat or kargador, to the rescue sya agad. FYI, kaya nyang magbuhat ng anumang bagay 5 times his weight. Kapag kailangan ko ng alalay or escort, present sya lagi. Kaya tuloy minsan, nainsecure sa kanya si Melvin (da ex-bf). In fairness sweet naman kasi talaga kami ni Neo sa isa’t isa kaya nga lagi kaming napapagkalamang mag-couple. Kung titignan mo. Pero kung makikinig lang kayo, wala kaming ginawa kundi magpalitan ng “impakto ka talagang punyeta kang hayup kang pandak ka” saka “impakto kang punyeta kang hayup kang pekpek ka”. Ang lahat ng serbisyo nya, ibibigay nya sa akin ng buong-buo basta ililibre ko lang sya ng tsikenjoi. In fairness, madami nang nagawa si Neo for me na kahit minsan eh di pa nagawa para sa akin ni Christer (da male bestfriend) or kahit ng naging boyfriend ko. Yung matinong gawain na walang kinalaman sa kahalayan. Only Neo.

Teka. Eh bakit ko nga ba sya ngayon lang ginawan ng artik eh last June pa sya umalis? Simple lang, miss ko na sya. Kasi kailangan ko ng taga-buhat para i-dispose na tong mga gamit ko na di na kailangan.

Neo, uwi ka muna dito pls? Libre na lang kita ng tsikenjoi.



2 comments:

  1. at pinost mo rin pala dito blog ni te magz. nyahaha para talagang tribute lang sa mamamatay. nyahaha joke lang husband! nyahaha wag ka na mag-inarte, ganda nga e nami-miss ka niya. nyahaha

    ReplyDelete