Thursday, September 17, 2009

Puday’s Box-The Beginning

Kung ang Pandora’s Box ng Greek Mythology ay nagkakalat ng kasamaan sa sanlibutan, ang Puday’s box ng Samar Pudayology naman ay naghahatid naman ng swerte sa sinumang magmamay-ari nito. Ang unang nilalang na nagmay-ari ng Puday’s box ay isang babaeng na itago na lang natin sa pangalang Karen Ruth Sarmiento. Kung pano, kelan at saan o anupaman na mga katanungan tungkol sa pinagmulan ng Puday’s box ay nananatiling lihim magpasa hanggang ngayon.’

Nagsimula ang lahat ng mapasa kamay ni Karen Ruth Sarmient o ang Puday’s box na naligaw sa malayong kaharian ng The Healthcare Acapella Inc. na matatagpuan sa kahabaan ng pamosong One San Miguel Avenue. Ang box ay naglalaman ng mga simpleng bagay gaya ng ICD codes manual xerox copy edition, Yearly Employee Assessment, The Healthcare Acapella Inc. Policy Manual, memorandum galing HR na nagpapahayag na ikaw ay hinahatulan ng verbal warning (na naka print out naman sa papel) dahil s paglamon sa station, ilang sachet ng nescafe 3 in 1, Coffee creamer, asukal, at ilang piraso ng biskwit.

Nung pasimula ay verbo, at ang verbo ay nagkatawanag hayup, at ang hayuf ay si Karen.

Walang kanais nais na mag abrud si Karen dahil ang tanging pangarap nia ay magtrabaho sa kaharian at magbasa ng pocketbook habang nagttrabaho, isabay pa jan ang pagbabasa ng mala novelang catalog ng Avon, Sara Lee, Natasha, Boardwalk at mga kauri nito. Andun din ang pangarap’ niang maglako ng longganisa at embotido sa opisina upang matustusan ang namamaga niang mani.

Subalit, datapwat, baket, kelan, saan, paano at kung anu anu pang kapunyatehang katanungan, ay biglang nag iba ang ihip ng hangin. Dumating ang swerte sa buhay ni Karen ng dahil sa araw araw niang pag gamit ng Puday’s box. Nag apply xa ng Visa para makapunta sa malayong kaharian ng Unayted Isteyts op Amerika upang makapiling ang kanyang pinakamamahal na palaka na naging prinsipe mula ng matikman ang namamaga niang mani. Subalit datapwat at punyeta, hindi naging madali ang lahat para sa knila. Nandoon ang mga alitan, sumbatan, duguan ng ilong, at mga dayalog na mahal ko si palaka, miss ko si palaka, masaya ako ke palaka, jumbo si palaka!

Subalit datapwat at isa pang punyeta ulit, gaya ng sabi ko sa itaas, hindi naging madali ang lahat para sa kanila dahil marami at talaga namang dumadami ang mga humahadlang sa kanilang pag iirugan. Nagsimulang magalit ang ang isang kawal ng The Heatlhcare Acapella at pinagpuputol ang trumpetang gamit nia para makausap si palaka sa ibayong bundok. Naghimutok ng labis si Karen at sumama ang loob nia ng matindi at nag umpisang maglabasan ang mga tagyawat niya sa mukha. Nasundan pa iyon ng marami pang pasakit na nagpadagdag sa sama ng loob na dinadala ni uday, kaya nmn lalong nagputukan na parang mga bulkan ang tagyaway nia sa mukha.

Hindi naglaon at tumindi ang sikat ng araw sa malayong kaharian ng palawan kung san naroroon si Karen kasama ang mga kaibigan niang si haring neo at prinsesitang poon, na dahil sa pagkakaron ng talangka sa utak ni Karen ay nasunog ang mga balat ng mga to. Ang insidenteng iyon kailanman ay hindi nakalimutan ng prinsesitang poon.

Ang mga hinagpis na ito ay napalitan naman ng lubos, sagad sa puday, sagad sa tonsil na kasiyahan ng makuha na ni Karen ang Visa nia patungong Unayted Isteyts op Amerika upang makasama ang kanyang pinakamamahal na palaka. Dagli dagling nagpahanda si karen ng mga samut saring pagkaen para sa kanyang despedida patungong unayted isteyts of amerika at doon ay inimbitahan nia ang kanyang malalapit na kadibdib na kaibigan na gaya nia ay hindi pinalad magkaron ng sukat na 4 na palad para matakpan at masalo ang kanilang kadibdiban, nagtitiis sila sa iilang piraso ng daliri para matakpan ang kanilang kadibdiban, gaya ulit ng knyang kaibigang si prinsesa imago na nagtitiis sa scotch tape para takpan ang inverted niang nipol.

Naging magarbo at masaya ang despedidang iyon ni Karen at sa kasalukuyan siya ay naninirahan sa magarbong ibayong bansa na Unayted Isteyts of Amerika. Siya ay naninilbihan sa isang kaharian at bilang mayordomo. Ang kanyang mani ay gabi gabi nang nadidiligan. Siya ay masaya ngaun tagos hanggang lalamunan.




Karen and Mike happily ever after




Ebidensya kung gano kahalay ang magjowa *takip mata

2 comments:

  1. hoy vakla hindi kame mahalay noh! musta naman ang tigang nyahahahah

    ReplyDelete
  2. punyeta ka neo. sakit ng tyan ko sayo sa kakatawa. pati si ate sarah bilib sa katarantaduhan mo. nyahhaa.

    ReplyDelete