Saturday, December 26, 2009

Disyerto at Kamelyo 2

Along the hi-way




Astig ang rock formation..




Maganda sana kuha nito kung DLSR gamit ko, ung kalsada pataas sa gitna ng 2 bundok




Parang Grand Canyon sa US..




Camel bite!!! bite him!!! nyahahaha!

Disyerto at Kamelyo

Mabaet naman pla sila eh...




Tong isang to matapang kasi me anak..




Don, cactus and me...





Sa wakas nakakita rin ng Camel...




Me, cactus and Ramon

Sunday, November 22, 2009

Nakakatamad Mag-BLOG!

NIKE "JUST DO IT" POSE




Huling huli isang tray ng "ITLOG" nyahahaha!






Kasama ko sa flat, si Donkster


Snap shot daw oh!

Monday, November 2, 2009

Feels just like home


Front view


Side view

Ganito ang kalangitan sa Riyadh, Saudi Arabia everyday.









Kaya naman, kinuhanan ko agad ng pics ng pers time ko makakita ng ulap sa kalangitan. Lapit na mag winter d2 kaya cguro nagkakaulap na. It feels just like home. Parang Pinas lang. Sana me tuyo, tinapa, chicharong baboy, alak, babae, lahat na! nyahahaha!


Parang ansarap magpalipad ng sarangola db?


Maliwanag pero hindi mainit



Wednesday, October 28, 2009

Finding Neo

Source: magzcafe.multiply.com








mga ebidinsya kung baket kame nattsismis, nyahahahahahaha!

mishu kups!





Warning: Contains explicit and vulgar words. Walang sisihan.


“Kups, tuloy na alis ko.”

Yan ang text nya sa akin nung malaman nya ang balita na papaliparin na sya papuntang Saudi, just a few days before his birthday. FYI lang, “kups” is short for “kupal”. Yan ang naging tawagan namin pagkatapos kaming mapagkamalang “couple” ng mga housemates ni Lumen. Ang sagwa naman kung “couple” kaya para mas cool, ginawa naming “kupal”.

Kups. Yan ang tawag ko sa kanya. Bukod sa “Bunsoy” (kasi pang-bunsoy ang height nya), “Vekvek” or “Pekpek” (kasi mahilig sya dun), “Baklah” (since “Baklah” at “Vekvek” or “Pekpek” ang tawagan namin nila Alex sa isa’t isa, pati tuloy sya ganyan na rin ang tawag namin), “Neopet” (dahil sya ang Pambansang Pet), “Neopot” (Neo + Supot = Neopot) o di kaya eh Impakto or Punyeta or minsan me combination pa, “Impakto ka talagang punyeta kang hayup kang bansot ka”.

Sa Tristancafe, kung ako ang Papaya Queen, sya naman si Sosej King. Kung hanggang ngayon eh palaisipan pa rin sa iba kung paano ako naging Papaya Queen, open book naman sa forum kung pano sya naging Sosej King. Kung di mo pa alam kung bakit, pwes, mag-scavenger hunt ka sa Tcaf. Besides, kung me sense of humor ka self-explanatory na yan noh.

Pero kung anuman ang itawag sa kanya, sa aming magkakaibigan at sa lahat ng babaeng nilandi nya, sya si Neo. Ang impaktong punyetang hayup na bansot na mahal nating lahat.

Nung nalaman ko na paalis na si Neo, magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ko. Lungkot kasi wala na kong “bodyguard” na sinusuhulan ko ng “tsikenjoi”. Pero masaya na rin for him kasi alam ko para sa future nya yun. At least, di na nya kailangang tumambay sa Quezon City Memorial Circle gabi-gabi.

Bakit nga ba mahal namin si Neo? Bakit madaming kababaihan at kabaklaan ang nahuhumaling sa kanya? At bakit ako personally eh labs ko ang kupal na to? Let me count the ways.

1. Sadyang malandi sya. Kung ikukumpara mo ang level ng kalandian nila ni Dyeri, si Dyeri kasi magaling mambola. Sweet-talking mouse talaga, yan tuloy nabansagan syang Boy Daga. Si Neo naman, simple kung lumandi. Dinadaan sa pagpapa-cute at pagpapa-sweet. Ginagamit nya ang pagiging loveable nya. Kumbaga eh feeling mo isa kang ina, or sugar mommy, at gusto mo syang gawing baby. Na mahilig sa milk. Wala eh, kahit pagsabihan mo, kahit pigilan mo, malandi pa rin. Kung naging babae sya malamang 10 na ang anak nya na iba’t iba ang ama.

2. Matibay ang sikmura nya. Kundi ba naman matibay ang sikmura nya, nag-volunteer sya na bunutan nya ng buhok sa kili-kili si Alex. Sino, sabihin nyo sa akin, SINO ang maglalakas-loob na bunutan ng buhok sa kili-kili si Alex?! Bukod pa dyan, mahilig syang kumain ng tahong, kahit may red tide, pero di sumasakit ang tyan nya. Katawan lang nya ang sumasakit, hulaan nyo na lang kung bakit.

3. May sense of direction, palibhasa palaboy. Kaya tuloy sya ang laging taga-hatid at taga-sundo ng mga GI (Geographic Idiot) lalong-lalo na ng isang nilalang na itago na lang natin sa pangalang Poon. Kapag kasama mo sya, you’re in good hands kasi alam mo na di ka mawawala. Kasi pag naliligaw na kayo, malakas ang loob nyang magtanong sa pulis. Alam din nya kung saan ang pinakamalapit na motel sa bawat sulok ng Metro Manila.

4. He’s an all-around-houseboy who doesn’t complain. Neo magtawag ka ng taxi. Neo bili ka ng Coke. Neo samahan mo ko. Neo buhatin mo yan. Neo bitbitin mo yun. Neo tumalon ka sa poste ng Meralco. Neo tuwad. Ilan lang yan sa mga dialogue namin sa kanya kapag kasama namin sya, pero wala kang maririnig na reklamo. Basta libre mo lang sya ng tsikenjoi. Si Sybil nga binigyan lang sya ng benteng pangyosi, ayos na.

5. Member ng Liga ng Kahalayan at Kalokohan. Obvious ba, kaya nga magkakasundo kaming magkakaibigan. May common denominator. Simpleng bagay, naiisipan ng paraan para maging mahalay. Pero silang dalawa ni Alex ang founder. Kami eh mga followers lang. Sya ang pasimuno kung bakit naging Poon si Sandra (oo, may normal na pangalan din si Poon akala nyo ba) at naging Anomalkan si Alex.

6. Kahit malandi sya, me natitira pa rin syang respeto sa amin. Wapakels kung kasama namin sya sa kwarto kapag nasa out of town lakwatsa kami. Wapakels kung magbihis kami sa harap nya. Wapakels kung makatabi ko syang matulog, basta wag lang syang maghihilik. Come to think of it, kung totally malandi sya, sana pinatulan na nya kaming mga close friends nya. Or baka di lang nya talaga kami type. Sabagay, the feeling is mutual. Kaso pansin ko lang, kung kelan nasa malayo na sya, saka naman nya nilalandi si Lumen. Dahil kaya napapadalas ang pagsusuot ng mini-skirt ni Lumen? Hmmm…

7. Tunay na kaibigan. More than the kalandian and the kahalayan, kapag kailangan mo ng kaibigan, lagi syang andyan. Kundi man para magbigay ng advice (dahil walang kwenta ang mga payo nya) he’s there for you para aliwin ka nya. In fairness, nakakatawa naman sya talaga. Dahil nakakalbo na sya.

8. He’s a brother I never had. Kapag kailangan ko ng bodyguard, isang text lang reporting for duty sya agad, not unless me “sabunot day” or “bangenge day” sya sa araw na yun. Kapag kailangan ko ng tulong, gaya halimbawa ng taga-buhat or kargador, to the rescue sya agad. FYI, kaya nyang magbuhat ng anumang bagay 5 times his weight. Kapag kailangan ko ng alalay or escort, present sya lagi. Kaya tuloy minsan, nainsecure sa kanya si Melvin (da ex-bf). In fairness sweet naman kasi talaga kami ni Neo sa isa’t isa kaya nga lagi kaming napapagkalamang mag-couple. Kung titignan mo. Pero kung makikinig lang kayo, wala kaming ginawa kundi magpalitan ng “impakto ka talagang punyeta kang hayup kang pandak ka” saka “impakto kang punyeta kang hayup kang pekpek ka”. Ang lahat ng serbisyo nya, ibibigay nya sa akin ng buong-buo basta ililibre ko lang sya ng tsikenjoi. In fairness, madami nang nagawa si Neo for me na kahit minsan eh di pa nagawa para sa akin ni Christer (da male bestfriend) or kahit ng naging boyfriend ko. Yung matinong gawain na walang kinalaman sa kahalayan. Only Neo.

Teka. Eh bakit ko nga ba sya ngayon lang ginawan ng artik eh last June pa sya umalis? Simple lang, miss ko na sya. Kasi kailangan ko ng taga-buhat para i-dispose na tong mga gamit ko na di na kailangan.

Neo, uwi ka muna dito pls? Libre na lang kita ng tsikenjoi.



Wednesday, September 30, 2009

Magsusulat ako

Gusto kong gumawa ng libro. Naisip ko lang, matagal tagal na panahon pa ang gugugulin ko dito sa Saudi Arabia. Two years ang kontrata ko, ilang bote pa ng sadiki ang lalagukin, ilang kaha ng sigarilyo ang susunugin, ilang microscopic particles ng buhangin ang papasok sa aking respiratory system, ilang sandstorm na susuungin, ilang libong luto ng itlog at pancit canton pa ang kakainin. Kaya imbes na pagdiskitahan ko kung ilang kalyo ang natanggal at matatanggal, kung ganu kumikinis si poohtotoy na alaga sa Nivea Whitening Lotion with Sunblock protection and Age-Defying Q10 plus, baket hindi ko na lang ibaling sa paggawa ng isang kwento ... na malay ko, malay mo, o si jun-jun na walang malay, mailathala ko ito sa libro. Hindi masama mangarap, lalo na kung me potensyal kang magsulat. ... kagaya ko! (ulol! sabi ng konsensya ko).

Wala akong maalala sa pinag aralan ko nung hayskul pati college kung pano magsulat at pano sumulat, kung kaliwang kamay ba o kanang kamay ang gagamitin, kung gano kahaba ang isusulat, kung pano tatakbo ang kwento, wala! wala na talaga akong maalala, maliban sa CLIMAX!




Gusto kong sumulat ng kwento na makabagbag damdamin na nakakatuwa. Gusto kong sumulat ng isang lab stori. Isang lab stori na hindi pang Precious Hearts o My Valentine Romance na pocketbook. Isang lab stori na hindi hango sa mga gawa ni Gilda Olvidado o sinu pa mang otor ng pocketbook. Isang lab stori na maaring hango sa tunay na buhay o lab stori na kathang isip lang ... kunware. Basta.. gusto ko lang sumulat.



Gusto kong gamitin ang batang_palaboy bilang SN sa pagsusulat. Baket batang_palaboy at hindi neopot? Kasi parang me dating ang batang_palaboy, me attitude ba, hindi pasusyal at lalong hindi hango sa fiction karakter na si Neo ng Matrix. Para kahit papaano sa simpleng pangalan magkaroon ako ng sariling identity. Malay niyo, malay ko, o si jun-jun na walang malay, makilala at sumikat ako.





Hindi ko balak magsulat ng isa, dalawa, tatlo sabay takbo na libro. Tama na sa akin ang ISA. Isang kwento na tatatak sa isipan ng tao. Isang kuwento na makakapag pabago ng buhay ng maraming tao. Isang kuwento na mahihipo ang milyong milyong tao. Naks! ambisyosong palaka!




Basta....




Gusto kong magsulat.





Wednesday, September 23, 2009

Saturday, September 19, 2009

BLOCKED URL



Ganyan ang lalabas sa screen mo kapag sinubukan mong mag browse sa mga sites na mahigpit na ipinagbabawal dito sa Kingdom of Saudi Arabia. Mahigpit dito, maski mga proxy hindi makakalusot dahil blocked din sila. Daig pa ang pambblocked sa office nun nasa pinas ako. Sa office me server block na nakakalusot pa rin. Sa office me web filter na, lusot pa din!


Minsan tinotopak ako gusto ko magbukas ng mga sites na "mejo" mahalay, MEJO lang nmn. Kaso lahat ng buksan ko ganyan lumalabas, sobrang inis na inis ako nyahahaha! Wala akong magawa kundi manigarilyo sa labas ng flat. buset!!!!!


Heniwey, high-way, para-paraan na lang. Hindi pwede dito mga streaming sites na bastos. Hindi rin pwede dito ung site na pinupuntahan ko madalas sa pinas kung san nagbabasa basa ako ng kavastusan, nyahaha!


Hosia, mag haharvest pa ako ng farm ko. ciao!

Friday, September 18, 2009

Puday’s Box-The Ren-Volution

Pooh: bakit ka ba ganyan tumitig sa akin?
Piglet: ang taba mo loko.. dapat ikaw si piglet eh..



Anung koneksyon ng jowks sa Puday's Box-The Ren-Volution? wala lang!
trip ko lang at walang basagan ng trip ok..


Pagkatapos mamaalam ni Karen sa kaharian ng The Healthcare Acapella Inc (parang nakakapagod siya itype)ay napasa kamay naman ni Haring Neo ang Puday's Box. Gaya ng dati ito ay naglalaman ng ICD codes xerox copy limited edition, Company Policy, ilang itlog ng ipis, ilang piraso ng durog durog na biskwit, kopiko, panis na plastik galing mini-stop, ilang piraso ng disposable kutsara, gamit na napkin ni Karen, at kung anu anu pang kabalahuraan.

Pero, datapwat subalit at punyeta, ang kwentong ito ay hindi tungkol ke Haring Neo kundi sa sumunod na tagapag mana ng mahiwagang Puday's Box na napasa kamay ni Reyna Ren.

Bago pa man umalis patungong disyerto si Haring Neo ay masama na ang tingin ni Ren sa Puday's Box. Marahil ay nararamdaman nia ang taglay na mahika sa Box na un.


Si Ren ay isang kawal sa The Healthcare Acapella Inc. gaya ni Karen at Haring Neo. Masipag magtrabaho si Ren at higit sa lahat masipag din siyang mag surf sa net upang tignan ang pinaka latest edition ng Habayanas. Isang ordinaryong kawal lang si Ren na me extraordinaryong katakawan sa katawan. Kung makalapang ng shikenjoi sa ministop eh hindi mo aakalain na babae ang kaharap mo. Madalas din inaantok si Ren dahil cguro sa kasintahan niyang gwardya na taga kabilang bundok na lagi syang pinupuyat. Minsan pag papasok si Ren sa The Healthcare Acapella Inc., ay marami na ssyang dalang gamit gaya ng Pangkulot ng buhok sa kili-kili. Minsan niyang naikwento samen na nahuhumaling sa knya ang kasintahan niyang gwardya lalo na pag nakikita nag kulot na kulot na buhok sa knyang kili-kili.

Andun na sa bag nia ang mga gamit nia pag matutulog sila ng kasintahan niyang gwardya sa isang yungib bandang Sta. Mesa. Simple lang siya magdala kahit hapong hapo na xa at hindi na makalakad dahil sa namamaltos na parte ng katawan nia.


Sa kasamaang palad ay tinubuan ng spinal cord sa ngala ngala si Ren at kelangan niyang maconfine sa isang pagamutan. Marahil iyon ay dahil sa kung anu anung bagay gaya ng laman, parte ng katawan na matigas, o kung anupaman un ay ayaw ko ng isipin, na pinapasok nia sa knyang bibig sa panahong nasa yungib siya kasama ang kanyang kasintahan at nagpapakawala ng matinding galit sa mundo....AHHHHHH!


Maraming kalokohan sa opisina si Ren kahit na akala ng iba ay isa syang anghel na hindi makabasag pinggan. Ang hindi alam ng lahat ay meron siyang maliit na buntot sa harapan na lagi niyang hinihimas. Minsan tuloy ako ay nahihiwagaan kung siya nga ay isang babae. Ang sabi ng ibang kawal sa The Healthcare Acapella ay patayo kung jumigle si Ren, tsismis pa ng isa ay makapal daw ang buhok sa dibdib ni Ren.


Subalit datapwat at punyeta, Si ren ay isang kawal na maasahan lalo na sa kalokohan at kamanyakan. Mahusay din siyang magtrabaho para makapag surf pa siya ng mas maraming oras sa Net para sa kinababaliwan niyang habayanas na bakya.


Ng magsimulang magbalot balot ng gamit si Haring Neo para sa paghahanda para sa knyang paglisan patungong disyerto ay inarbor ni Ren ang Puday's Box sa knya. Inangkin niya ng sapilitan ang Puday's Box kasehodang me malaking dagang laman ang box na un. Ilang buwan matapos mapagtagumpayang maangkin at mabalahura ni Ren ang Puday's Box ay siya nmn ang lumipad patungo sa malayong kaharian ng disyerto at ngaun ay kapitbahay ni Haring Neo.



Iskeyri Ren

Thursday, September 17, 2009

Puday’s Box-The Beginning

Kung ang Pandora’s Box ng Greek Mythology ay nagkakalat ng kasamaan sa sanlibutan, ang Puday’s box ng Samar Pudayology naman ay naghahatid naman ng swerte sa sinumang magmamay-ari nito. Ang unang nilalang na nagmay-ari ng Puday’s box ay isang babaeng na itago na lang natin sa pangalang Karen Ruth Sarmiento. Kung pano, kelan at saan o anupaman na mga katanungan tungkol sa pinagmulan ng Puday’s box ay nananatiling lihim magpasa hanggang ngayon.’

Nagsimula ang lahat ng mapasa kamay ni Karen Ruth Sarmient o ang Puday’s box na naligaw sa malayong kaharian ng The Healthcare Acapella Inc. na matatagpuan sa kahabaan ng pamosong One San Miguel Avenue. Ang box ay naglalaman ng mga simpleng bagay gaya ng ICD codes manual xerox copy edition, Yearly Employee Assessment, The Healthcare Acapella Inc. Policy Manual, memorandum galing HR na nagpapahayag na ikaw ay hinahatulan ng verbal warning (na naka print out naman sa papel) dahil s paglamon sa station, ilang sachet ng nescafe 3 in 1, Coffee creamer, asukal, at ilang piraso ng biskwit.

Nung pasimula ay verbo, at ang verbo ay nagkatawanag hayup, at ang hayuf ay si Karen.

Walang kanais nais na mag abrud si Karen dahil ang tanging pangarap nia ay magtrabaho sa kaharian at magbasa ng pocketbook habang nagttrabaho, isabay pa jan ang pagbabasa ng mala novelang catalog ng Avon, Sara Lee, Natasha, Boardwalk at mga kauri nito. Andun din ang pangarap’ niang maglako ng longganisa at embotido sa opisina upang matustusan ang namamaga niang mani.

Subalit, datapwat, baket, kelan, saan, paano at kung anu anu pang kapunyatehang katanungan, ay biglang nag iba ang ihip ng hangin. Dumating ang swerte sa buhay ni Karen ng dahil sa araw araw niang pag gamit ng Puday’s box. Nag apply xa ng Visa para makapunta sa malayong kaharian ng Unayted Isteyts op Amerika upang makapiling ang kanyang pinakamamahal na palaka na naging prinsipe mula ng matikman ang namamaga niang mani. Subalit datapwat at punyeta, hindi naging madali ang lahat para sa knila. Nandoon ang mga alitan, sumbatan, duguan ng ilong, at mga dayalog na mahal ko si palaka, miss ko si palaka, masaya ako ke palaka, jumbo si palaka!

Subalit datapwat at isa pang punyeta ulit, gaya ng sabi ko sa itaas, hindi naging madali ang lahat para sa kanila dahil marami at talaga namang dumadami ang mga humahadlang sa kanilang pag iirugan. Nagsimulang magalit ang ang isang kawal ng The Heatlhcare Acapella at pinagpuputol ang trumpetang gamit nia para makausap si palaka sa ibayong bundok. Naghimutok ng labis si Karen at sumama ang loob nia ng matindi at nag umpisang maglabasan ang mga tagyawat niya sa mukha. Nasundan pa iyon ng marami pang pasakit na nagpadagdag sa sama ng loob na dinadala ni uday, kaya nmn lalong nagputukan na parang mga bulkan ang tagyaway nia sa mukha.

Hindi naglaon at tumindi ang sikat ng araw sa malayong kaharian ng palawan kung san naroroon si Karen kasama ang mga kaibigan niang si haring neo at prinsesitang poon, na dahil sa pagkakaron ng talangka sa utak ni Karen ay nasunog ang mga balat ng mga to. Ang insidenteng iyon kailanman ay hindi nakalimutan ng prinsesitang poon.

Ang mga hinagpis na ito ay napalitan naman ng lubos, sagad sa puday, sagad sa tonsil na kasiyahan ng makuha na ni Karen ang Visa nia patungong Unayted Isteyts op Amerika upang makasama ang kanyang pinakamamahal na palaka. Dagli dagling nagpahanda si karen ng mga samut saring pagkaen para sa kanyang despedida patungong unayted isteyts of amerika at doon ay inimbitahan nia ang kanyang malalapit na kadibdib na kaibigan na gaya nia ay hindi pinalad magkaron ng sukat na 4 na palad para matakpan at masalo ang kanilang kadibdiban, nagtitiis sila sa iilang piraso ng daliri para matakpan ang kanilang kadibdiban, gaya ulit ng knyang kaibigang si prinsesa imago na nagtitiis sa scotch tape para takpan ang inverted niang nipol.

Naging magarbo at masaya ang despedidang iyon ni Karen at sa kasalukuyan siya ay naninirahan sa magarbong ibayong bansa na Unayted Isteyts of Amerika. Siya ay naninilbihan sa isang kaharian at bilang mayordomo. Ang kanyang mani ay gabi gabi nang nadidiligan. Siya ay masaya ngaun tagos hanggang lalamunan.




Karen and Mike happily ever after




Ebidensya kung gano kahalay ang magjowa *takip mata

Monday, September 14, 2009

BIG time kong insan





Name: Cherry Rose Santiago Esteban
Age: 27
Sex: Wala pa since birth este babae pla!
Motto: Magpayaman at maglumande ayyy! aw!


Yan ang insan kong big time, nakarating na kung saan saang lupalop ng earth, cloud 9 na lang ang ndi pa nia nararating, ahihihihi....
Nag iisang anak ng ante ko, kaya siya ay dakilang tagapag mana ng mga ari-arian ng knyang mga magulang.
magaling yan magluto, obyus nmn sa wankata .. *joke
malakas ang loob! akalain mo ka sparring nia mula ng bata kme ung pinsan nameng si Mac-mac, eh isa ding pang kargador katawab nun! nyahahaha!


She is very mats single .....



Kaya kung me de-otso kahaba ka... take her na! type na type nia un nyahahaha!

Saturday, September 12, 2009

Buhay OFW

8:45 am- alarm time para bumangon, muni-muni, inat-inat.. prepare ng breakfast, maligo, mamalantsa, magbihis, maglagay ng sunblock (naks!)

10:15 am-10:30 am- abang ng service

11:00 am-3:00 pm- work, work work…….at isa pang work…

3:00 pm-3-15 pm- antay ng service sa labas ng hospital (whew! Init)

3:15 pm-4:00 pm- byahe papuntang accomodation.

4:00 pm-5:00 pm- luto, saeng, isip makakaen, isip isip kung baket ako naligaw sa Saudi sabay kamot sa singit.

5:00 pm-7:30 pm – higa, idlip, farmville, linis kwarto, idlip, yosi, at isa pang idlip (as if nmn nakakaidlip *toinks) at isa pang yosi ulit, at isa pa ulit, nyemas!

7:30 pm-8:15 pm-kaen, prepare para pumasok, mag antay sa service.

9:00 pm-1:00 am- work, work work…….at isa pang work… *yawn..ZzzzZZzzzzz…


1:00 am-2:00 am- antay ulit sa bus, tutblas, yosi saglit, kamot ulit sa singit (rest day si poohtotoy ng 2 years waaaaaaah!), muni-muni ulit kung baket ako naligaw dito sa Saudi, then tulog ZZZZzzzzzzz...........


(kinaumagahan) *kringgGgGg!!!!! GISING NA NAMAN!!!! PASOK NA NAMAN!!!!! PLANTSA NA NAMAN!!!! LUTO NA NAMAN!!!! ITLOG NA NAMAN!!!!!! NYAHAHAHAHAHA!!!!

Kung gano kaboring pagkakasulat ganun din kaboring buhay dito. Waaaaaa!!!!!!



Sendan nio ko ng pinaka latest na scandaaaaal!!!!! Lolz.




Drim, bilib, surbayb. Starstruck... KIDS!!!

How much is your blood worth?

Let's talk about first the benefits of donating blood.



I searched the net hoping to find health benefits of donating blood but only come up with an article about iron overload.

Ingestion of quantities of iron beyond a certain quantity can promote formation of free radicals in the body. Free radicals have justly earned their reputation for causing cellular changes which can disrupt normal cell function and increase the risk of certain chronic diseases such as heart disease and cancer. This is more likely to be a problem for men and post menopausal women since women of child bearing age shed excess iron through regular menstrual cycles. If a person happens to be a red meat eater, the risk for iron overload can be even higher.


How does blood donation help with iron overload? Blood donation removes some of the excess iron which can cause free radical formation in the body. In fact, studies have shown that men who donate blood on a regular basis have a lower risk of heart disease. With heart disease being the number one cause of death in males, this is, indeed, an important health benefit of donating blood.


http://healthmad.com/health/the-incredible-health-benefits-of-donating-blood






Sa madaling salita, blood donation will lower your risk of heart diseases. At sa isa pang mas madaling salita, you can earn money by donating blood.



250 Saudi Riyal x 12.75 =3, 187.5 Pesosesoss




and that is the Incredible benefit of blood donation, nyahahahahaha!


Ever heard of platelet donation? hmmmm....for 500 Saudi Riyal, GO! GO! GO!

Friday, September 11, 2009

Tropang Mindanao Avenue-pics


Kuya Eric


Arong


Leimar


Rowell


Jomar



Katambay, kaasaran, kalokohan, kamanyakan, kainuman, kadramahan.. yan kame!
Sulit naman ang 1 month kong despedida sa kanila.
Mishu na mga fafa *smooches, nyahahahaha!
Magkikita kita rin tau sa Finals..

Amazing shots of Che-che part 2





Tropang Mindanao Avenue

The Hospital and Accomodation


Scrub suit sa Medical Records Department




My Dell Inspiron Laptop


Accomodation namen. Hirap kasi kumuha picture at mahigpit ata cla d2 sa Riyadh


Transcription Room



The Specialized Medical Center Hospital

Learning the Indian Language


My Indian officemate Renjith K.M.



I told him to write it down because I find it difficult to pronounce the word just by hearing him say it.




Welcome - Swagatham
Nothing - Onnumilla
You are beautifull- Nee Sundariyanu
Let's go- Namukku Pokam

Come - Vaa
Finished?- Theerno?

yeah sure - Kuzaapamilla (My version: kuyappamilla)

I love You- Njan Ninne Snehikkunnu (My version: nyani sinehikuno)

Oopss!! - Ayyo!!

You want water?- Vellam veno?
Water- Vella,
Food- Ahaaram
Sorry- Kshemikkanam (My version: shemikanam)

Amazing shots of Che-che








I soooo love these photos...


Nice shot Insan!