Ako, ang kyut and kyut na si Harold, ay pinipili ka Rhicarr upang maging aking kabiyak sa harap ng ating pamilya at mga kaibigan. Pinapangako ko sayo, na magmula sa araw na ito, ikaw na lang ang bukod tanging babae sa buhay ko…ikaw lang ang pinakamaganda, pinakaseksi at ciempre pinaka yummy. Pinapangako ko rin sayo na pakikiligin kita sa araw-araw at sa tuwi-tuwina na tayo’y magkasama, kasi alam ko naman na crush na crush mo pa rin ako kahit ikakasal na tayo.
Pagpacenxahan mo na kung hindi ako masarap magluto kagaya mo, saken kasi basta me asin ok na. Kung natatabangan ka man, sana kung puwede lng…. Patakan mo na lang ng patis at kahit papano’y sabh mo na masarap rin ang luto ko kahit charing lang. Wag ka sanang magagalit kung ako man ay makatulog habang ika’y nanood ng Imortal, alam mo naman na si Naruto at Son Gokou lang ang mga idolo ko. Wag ka sanang maiinis saken kung ikaw ay haharutin ko, lalandiin at kikiliitin kasi un lang nmn ang alam kong paraan para sabhn saung naglalambing ako. Kung dumating man ung tym na maiinis ako sau, magsusuplado at magtatampo ….tandaan mo lang na kung kryptonite and kahinaan ni superman, saken nmn eh shikenjoi lang… ung 2 pcs!
Pinapangako ko sau na aalagaan kita hanggat kaya ko. Kung naduduwag ka at pinanghihinaan ng loob, narito ako para palakasin ang loob mo. Kung me magchichismis sau at sisiraan ka, wag kang mag-alala at ichichismis ko din cla. Kung giniginaw ka namn… ahem! Just come to papa at papainitin kitaaaaaah!
Marami ng bagay-bagay and nangyari sa buhay naten, maraming dumaan at marami rami na rin ang umalis. Meron tayong minahal at meron din tayong nasaktan. Pero ang mahalaga ay natuto tayo at akalain mo nagkatuluyan pa tayo!….Mahal kita ogag sobrah…kaya subukan mo lang akong paalisin sa buhay mo kundi ko sinunog and bahay nio.
No comments:
Post a Comment